Proudly Pinoy!
A TEXT POST

Sin Tax Bill. (late post)

Dec 26 pa lang ngayon pero nakakabadtrip nang bumili ng yosi sa tindahan. Nung una tumaas lang ang presyo. Ngayon, wala nang mabili. Pumunta na ko sa ilang malalaking supermarket, pero ubos na rin “daw”. Hindi ko naman masabing super addict na ako sa yosi, pero siguro kailangan ko kahit 3 sticks lang sa isang araw. Ito ang dahilan kung bakit napaisip ako ngayon tungkol sa sin tax bill.

Sabi sa balita ang objective ng sin tax bill ay para makadagdag sa tax collection ng bansa. Naisip ko lang, ito ba talaga ang solusyon?!
Oo, masama sa kalusugan ang pagyoyosi at pag inom ng alak, at kahit papano, mababawasan ang bibili ng yosi at alak dahil mahal na, at sabi nila ang collection mula sa tax na ito ay may mapupuntahang magandang programa ng pamahalaan. Pero sorry, I disagree na ang pagtataas ng tax sa kahit anong product ang natitirang solusyon para lang tumaas ang pondo ng gobyerno. Kahit pa may magandang programa yang pupuntahan KUNO. Lagi na lang ang mga consumer ang apektado.

Lahat na lang may tax! Sa totoo lang nakakainis na. Okay lang sana kung sobrang liit lang ng tax sa sweldo, sige lagyan na ng tax lahat ng binibili ng pinoy.

Ang dami daming tao at establishment na nandaraya sa pagbabayad ng tax. Sana nasolusyunan muna ng gobyerno ito bago magdagdag na naman ng tax sa ibang product. Magkano ang uncollected taxes ng gobyerno? Di ba sa estimate billions na? May nagawa bang paraan para mahuli at magbayad yung mga nandaya sa tax?

Ang natutunan ko sa book ni alex lacson, author ng 12 Little Things a Filipino can do for His Country ata yon, importante na humihingi tayo ng resibo. Kasi bawat bayad natin inclusive of tax, kaya pag di tayo binigyan ng OFFICIAL receipt, binayaran natin ang tax, pero di naman nire-remit sa gobyerno. Nahuli na ba ang mga tindahan na hndi ng i-issue ng official receipt? Sa malls lang ang daming stalls na hindi nagi-issue ng receipt, pero walang nagche-check na taga-gobyerno. Yung bilihan ng super murang computer gadgets, nagtry ako humingi ng resibo, ang binigay sa akin ay cash invoice. Nalaman ko sa pagtatanong na pag ganung sales or cash invoice, hindi yun kasali sa nire-remit na tax sa gobyerno. Kaya nga official receipt ang hinihingi dapat.

Sa ospital, di ba pag nagpa consult tayo sa doctor, hindi naman sila nagbibigay ng official receipt hangga’t hindi humihingi ang pasyente ng kopya? I wonder kung lahat ng doctor tama ang dine-declare na income.

Nakakainis lang pag naiisip ko yung kaltas ko sa sweldo dahil sa tax. Kung inipon ko yon, ang dami ko nang nabili na gusto ko, or napasyalan na ibang lugar. Tapos malalaman lang natin sa balita palpak yung program or nawawala na ang pondo ng gobyerno dahil nakurakot na. Nakakalungkot. Minsan gusto kong maniwala na may pag asa pang mag improve ang Pilipinas. Pinipilit kong maniwala, pero nawawalan na ko ng pag-asa.

Well, ang haba na ng sinabi ko, ang point ko lang, sana before ngdecide na itaas ang tax, nagtry muna ubusin lahat ng other options para tumaas ang pondo ng gobyerno. hulihin ang di magreremit ng tamang tax, magcost cutting ng operational expenses! Magrecycle ng papel sa opisina, magtipid ng kuryente, magtipid ng gas na libre para sa gov’t vehicles! Ang daming paraan, pero sa dami, ang naisip lang eh magdagdag na naman ng tax. Haist!

A PHOTO

loveyourquotes:

http://loveyourquotes.tumblr.com

I downloaded an ebook entitled Yes I Can! which says the same thing. Things become impossible for us because we close our minds to possibilities. Our capabilities depend on how much we believe on ourselves. Fear of failure or rejection hinders us from realizing our dreams.

What I will do: be willing to try new things, accept challenges, and embrace the fact that there will be a lot of times that I will fail or be rejected, but I won’t care anymore… the important thing is I tried.

My new motto:
impossible = I’M POSSIBLE!
(not my original, but this inspires me a lot! ;) )

Reblogged from loveyourquotes
A TEXT POST

29.

Bakit ang mga babae nagpa-panic na pag dumating sa edad na 29?

Yung mga matatanda kasi kung anu-anong sinasabi. Malapit na daw mawala sa kalendaryo, malapit nang maging matandang dalaga, baka di na magka-anak, kelangan nang mag-asawa. Kahit tuloy ako nagpa-panic na rin. Syet! 

Sabi ng tatay ko, late bloomer daw ako. Totoo yata yun. Sa edad kong 29, ngayon pa lang ang nag-eenjoy sa buhay ko. 

Kahit 29 na ko, ang puso ko naman ay bata pa, hahaha!

Sabi ng iba:

Age is just a matter of the mind, if you don’t mind, it doesn’t matter.

Kiber! Leche!

A VIDEO

Nakaranas na ba kayo na may nanglilimos na mga bata sa loob ng jeep? Marami nagsasabi na pag may nanglimos huwag bibigyan. Pero madalas hindi ko sila kinakayang tiisin. Naiisip ko, pano kung at that exact moment, gutom na gutom na sya? kumukulo ang tyan at naghihintay lang sya na may maawa at magbigay sa kanya ng pambili ng tinapay? di ba? ang limang piso sa atin pambili lang ng candy o yosi… sa kanila, pamatid-gutom na yon. Hindi naman siguro malaking kawalan ang limang piso sa mga bulsa natin. Opinyon ko lang naman to. v’_’v

Sabi ng mga taga-gobyerno huwag magbibigay ng limos, okay lang sana kung nakikita kong may ginagawa sila para tulungan yung mga nanglilimos, eh wala naman eh. Busy sila lahat magpalamig sa aircon sa loob ng mga opisina nila. hay.

Golden Rule pa rin ang sinusunod ko sa buhay ko. So far, wala pa naman yun nadulot sakin na masama. Kaya sana pag dumating ang panahon na ako na ang kailangang manghingi ng limos, may magbibigay din sa kin, haha.

A QUOTE

It hurts when you’re cold to me. I’d rather you slap me on the face and tell me it’s over than make me feel like I’m a trash waiting to be dumped.